MOTORSIKLO
Ni: Mae Manuel
Ilang kanan at kaliwa na rin ang nailiko
Sa kalagitnaan ng trapiko, aba talaga naman nailusot mo
Kotse man ay magara tignan
Dun tayo sa simple lang
Para mas maging magaan
Isang tawag mo lang andyan na agad
Motorsiklo hatid ay kasiyahan sa paglalakabay
Nawa kaibigan iyong maunawaan
Tulad ng motorisiklo buhay ay ganian
Minsan nakukulangan sa gas at nasisisraan
Ang mahalaga ay natuto kang maglakad at magtulak
Dahil ang buhay ay isang mahabang paglalakabay
Nasa iyong manibela ang kapalaran
Idederetso mo ba o hihinto pagnapagod na
Buhay ma'y bako bako aba wag ka namang sumuko
mag-isa ka man sa iyong Motorsiklo
Hintayin mo at may darating para sayo
Laging isipin na sa iyong Paglalakbay
May nasa Itaas na nagbabantay
Tinatanaw ang iyong kaligtasan
Laging isipin na sa iyong Paglalakbay
May nasa Itaas na nagbabantay
Tinatanaw ang iyong kaligtasan
No comments:
Post a Comment